Introduction #heartnotes

“Para!”

Bumaba na ng jeep si Ally at dali-daling tumawid sa kabilang kalye. Pauwi na siya ng bahay galing school. Habang naglalakad, mapapansin na para bang tumutungo ang ulo nito kaunti dahil tinutugtog niya ang chords ng “Jeepney Love Story” sa isip niya na kanina pa niya actually ginagawa sa… well… sa jeep. XD

Simula nang tinuruan siya ng papa niyang maggitara, para bang may dumapong magic sa kanyang kamay at laging hinahanap-hanap ng mga daliri niya ang pagtugtog.

At sa paggigitara kasi, doon niya lang nararamdaman ang presensya ng kanyang ama.

##

Nagpalit na siya ng damit. Buti na lang at walang ni isang assignment ang binigay ng mga teacher niya. Ang hindi matapos-tapos na class fund (piso-a-day!) lang naman ang kailangan niyang intindihin dahil mga dalawang buwan na rin siyang hindi nakakabayad. Kinuha niya ang wallet at binilang kung ilan ang natirang pera niya sa araw na yun.

“Nice! May Php30.00 pa ‘ko. Buti naman,” sambit niya.

Nag-iipon din kasi siya para sa kanilang Christmas Party at ang hinihintay ng halos lahat ng mga babaeng ka-year niya… ang JS Prom. Pangarap din kasi niyang ma-experience ang isang okasyon na ganoon. Simula pa kasi nung 1st year siya eh walang nagaganap na JS prom. At ngayong nakaakyat siya ng 3rd year ay sobrang tuwa nito ng malaman niyang meron ng prom… for the very first time. Kasama na ang batch niya sa history! Ahhyah!

Kaya ipon-ipon to the max siya para sa prom ticket, dress kahit simple lang basta gusto niya bago XD, at para na rin sa ibang bagay. Ayaw din kasi niyang paggastusin pa ang mama niya. Bait naman (heehee).

8 o’clock.

Hindi na nakakain si Ally ng hapunan. Hindi niya napansin na nakatulog na pala siya. Pumasok ang kanyang mama sa kanyang kwarto dahil hindi ito lumabas. At ayun nga, nakita niya na nakahiga na siya at ang himbing na ng tulog. Hindi na niya siya ginising. Inayos nito ang posisyon ni Ally sa pagkatulog at inilagay ang kumot sa ibabaw niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s